“NANG DAHIL SA PAG-IBIG” TELESERYE SINIMULAN NA!

The main cast of "Nang Dahil sa Pag-ibig" - Piolo Pascual, Cristine Reyes, Maricar Reyes and Jericho Rosales

Sa dinami-dami ng mga bago at magagandang teleserye ng ABS-CBN tulad ng “Walang Hanggan,” nila Richard Gomez, Dawn Zulueta, Coco Martin at Julia Montes; ang dramang pang-hapon na “Precious Hearts Romances (PHR) presents Lumayo Ka Man Sa Akin,” nila Maja Salvador, Jason Abalos at ang nagbabalik-Kapamilya na si Patrick Garcia; "Maguanaw Man ang Mundo" na pinagbibidahan nila Empress Schuck, EJ Falcon at Nikki Gil kasama ang ilang premyadong aktres na sina Eula Valdes at Sylvia Sanchez; “City Hunter”, isang Korea-nobela na pinangungunahan ng isa sa mga pinakasikat na aktor sa bansang Korea na si Lee Min Ho (mula sa 'Boys over Flowers" at "Perfect Match") na nagsimula na kagabi pagkatapos ng “PBB Unlinight” at ang malapit na ring ipalabas (Jan. 30) na “E-boy” na pinagbibidahan ng bibong-bibo na bata sa si Bugoy Carino Jr., pawang mga malalaman at talaga namang mga napapanahong mga teleserye ang inihahain at ihahain pa lang sa atin ng Kapamilya Network.

Ano nga ba ang kaibahan ng bagong teleserye na sinimulan nang gawin ng mga sikat at di matatawaran pagdating sa pag-arte ng mga pangunahing artista tulad nila Piolo Pascual, Cristine Reyes, Jericho Rosales at Maricar Reyes? Una sa lahat, ayon sa mga nabanggit na artista dito, kakaiba raw ang kanilang mga karakter na ginagampanan, ito ‘yung mga tipo na hindi pa nila nagawa kahit noon pa. Magkakasama dito sa unang pagkakataon sila Piolo at Maricar, si Jericho at Cristine naman ay dati nang nagkasama sa “Kahit Isang Saglit” samantalang first time din magkasama nila Jericho at Maricar sa iisang proyekto, dati nang nagkasama ang dalawang naggagandahang stars ng nasabing teleserye sa isang episode sa PHR,  ang magkaibigan namang Echo at PJ (Piolo) ay matagal-tagal nang hindi nakakagawa ng proyekto na magkasama sila simula pa noong kainitan ng “The Hunks” at ‘Bora” ayon kay Echo.

Ang dating titulo nito ay “Padre de Pamilya,” na napalitan nga ng “Nang Dahil sa Pag-ibig.” Ang iba pang mga maningning na artista na gaganap sa inaabangang teleserye na ito ay sina Christopher de Leon, Sandy Andolong, Denise Laurel, Rafael Rosell, Tetchie Agbayani, Rey “PJ” Abellana, Malou Crisologo, Jeffrey Santos at Edward Mendez sa pagdidirihe ni Jerry Lopez Sineneng.  

Isa na namang Primetime Bida ang aabangan natin mga Kapamilya. Tutok lang kayo para sa mga iba pang detalye, updates at mga exclusive photos na aming nakunan on and off the cam habang ang cast ay nagpipictorial. 

Please visit my Twitter account: www.twitter.com/amazingjing ... follow me pls. ;-) and Amazing Jing for Life FB page para sa marami pang updates. 

Posted in: , , , , ,

0 Amazing comments for "“NANG DAHIL SA PAG-IBIG” TELESERYE SINIMULAN NA!"

Leave a reply

Feel-free to comment Amazing people! Hope you could also add me on Google Plus (Google +) Thanks!