Namamayagpag si "100 Million Man" ng Malacañang! Sino nga ba'to?

July 20, 2022







Sino si “100 Million Man” ng Malacanang? 

Namamayagpag at naghahasik ng lagim ang tinaguriang "100 Million Man" sa Palasyo ng Malakanyang. Isang maimpluwensiyang opisyal ng Marcos Jr. administration ang napakaagang gumagawa ng kababalaghan.

Ito sa pamamagitan ng pagkamal ng sandamukal na salapi, mula kampanya hanggang paglalako ng mga posisyon sa pamahalaan.

Ayon sa ating importante, si El Kapitan Nilalang ng administrasyon ay dikit sa Pangulo kaya naman kaniyang sinasamantala ang pagkakataong ito.

Ang nakamangha ay humihingi ito ng tumataginting na one hundred million pesos (P100M) sa ilang nais na makakuha na puwesto sa gobyerno na maituturong na “juicy position”—na ang Ibig sabihin ay ang mga posisyon sa gobyerno ba madaling mapagkakitaan.

Kung makakapagbigay ng P100 million pesos kay El Kapitan  ay siya mismo ang mag aayos na papeles upang agad na maappoint Sa puwesto.

Ang malupet sa lahat, kahit sa panahon ng kampanya, ganito rin ang modus operandi ni El Kupitan, abay halos lahat ng transaksiyon sa mga negosyante na gustong magbigay ng donasyon iisa ang kwento sa presyuhan, animoy eksena sa Storage War series ang bidding. 

Pati yung mga negosyanyete na maagang magpalapad ng papel  kay PBBM dahil lamang sa survey, abay iisa ang kwento at parang template ang numero ibinibigay ni El Kupitan- itoy nagsisimula sa P100M at kapag sinuwerte lalo pat galante ang kausap , mas malaki pa ang hatag.

Hindi lang yan, meron pang isang negosyanteng na nagboluntaryo naman mag-donate ng P100M ang sobrang nagulat dahil bank account ni El Kupitan ang ibinigay sa kanya.

Hindi ngayon malaman ng negosyante kung nakarating ba ang kanyang donasyon o nagamit nakaraang kampanya dahil sa bank account ni El Kupitan pumasok ang P100M.

Maliban sa bansag na “Mr 100 Million Man” may bagong pangalan si El Kupitan sa umpukan ng mga “Marisol” at “Marites” sa pamahalaan bilang “Silidonyo”, as in “silid dito, silid doon” sa garapon

Kaya naman nabubuwisit na mismo ang mga mas malalapit kay PBBM dahil maaring ito ay makasira sa imahe ng Pangulo  at sa buong administrasyon lalo pat usap-usapan kahit sa mga estero sa Palasyo ang modus ni El Kupitan.

Clue. Kaya naman pala Raketista si “Mr 100 million Man”, alyas El Kupitan dahil meron letrang R. 


Oh, kaya nyo na yan ha... hulaan n'yo na!!! 


Posted in:

0 Amazing comments for "Namamayagpag si "100 Million Man" ng Malacañang! Sino nga ba'to? "

Leave a reply

Feel-free to comment Amazing people! Hope you could also add me on Google Plus (Google +) Thanks!