Gardo at Theo, maghaharap sa pagtatapos ng Valiente
JC De Vera as Gardo Valiente and Oyo Sotto as Theo Braganza
Mas
tumitinding rebelasyon, mapangahas na eksena at paglantad ng katotohanan ang
babalot sa huling linggo ng Valiente sa TV5. Sa rurok ng mga kaganapan
sa San Rafael, isa pang rebelasyon ang magpapaigting sa buhay ng mga pamilyang
Braganza at Valiente. Saksihan ang muling lumalalim na ugnayan sa pagitan nina
Gardo Valiente (JC De Vera) at Maila Braganza (Nadine Samonte) na muling
masusubok dulot ng pagtuligsa ni Mila Regalado-Arden (Lorna Tolentino). Ano
kaya ang katotohanan sa likod ng pagkatao nina Maila at Mila Regalado-Arden.
Ano ang kanilang lihim na istorya?
Samantala,
manaig pa kaya ang kapatawaran sa mag-amang Damian Valiente (Michael De Mesa)
at Gardo at sa mag-inang Donya Trining Braganza (Jaclyn Jose) at Theo (Oyo
Sotto)? Paano kaya nila tatalikuran ang mga nakalipas na panahon? Abangan din
ang pagbabalik ni Leona Braganza (Nina Jose) pati na ang mga gagawin niya
alang-alang sa pag-ibig niya kay Gardo. Hanggang saan ang kayang isakripisyo ng
isang taong nagmamahal ng lubusan?
Huwag
palalampasin ang pagiging tuso ni Donya Trining na siyang magbabadya ng
napipintong paghaharap nina Gardo at Theo. Sa kasaysayan ng galit at
paghihiganti sa pagitan ng dalawa, isang bala ang magtutuldok sa lahat. Sino
kaya ang mananatiling matibay? Ano ang kahahantungan ni Gardo Valiente? Ito na
ba ang katapusan ni Donya Trining Braganza?
Abangan
ang mas umiinit na tagpo at ang pinakaaabangang paghaharap nina Gardo Valiente
at Theo Braganza sa huling linggo ng Valiente, pagkatapos ng Wil Time
BigTime sa TV5.
Hope you could also read my other post on Valiente. Thanks!
Posted in:
jaclyn jose,
jc de vera,
Lorna Tolentino,
Michael De Mesa,
nadine samonte,
nina jose,
oyo sotto,
tv5,
valiente,
Wil Time BigTime
0 Amazing comments for "Gardo at Theo, maghaharap sa pagtatapos ng Valiente"
Leave a reply