"BORN TO LOVE YOU" SURE HIT SA TAKILYA!




Very vocal talaga si Angeline Quinto sa pagpapahayag ng kanyang lubos na paghanga at pagtatangi sa kanyang kapareha na si Coco Martin kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay matutunghayan natin ang pagtatambal ng dalawa sa mga bankable stars ng ABS-CBN sa pamamagitan ng pelikulang “Born to Love You.”

Nagba-blush si Papa Coco :P

Sa pagpapatuloy ng ika-19 na Anibersaryo ng Star Cinema kasama ang Cinemedia, buong pagmamalaki nilang inihahandog ang bagong romantic-comedy ng taon, ang “Born to Love You,” na pinagbibidahan ni Coco Martin bilang Rex sa istorya, isang photographer at Angeline Quinto bilang Joey, isang tourist guide.





Base sa aming nasaksihan noong press con ng naturang pelikula, sa bawa’t pagbuka pa lamang ng bibig at bawa’t pagbibitaw na salita ni Angeline ay talaga namang napapangiti at pagka minsa’y napapatawa nito ang napaka-guwaping star ng top-rated na Kapamilya teleseryeng “Walang Hanggan.”
Nang tanungin si Angeline kung totoo bang sinabi niya na kumupas na ang kuwintas na binigay sa kanya ni Coco, buong diretsang sinagot ito ni Angeline at inamin na sinabi nga daw n’ya ito pero joke lang naman daw ‘yun para lang bigyan s’ya uli ni Cocs (tawag n’ya kay Coco). Sa tinurang iyon ni Angeline, di lang si Coco ang kanyang napatawa pati ang mga press na naroon sa Dolphy theater kung saan idinaos ang nasabing press con.

Kwelang-kwela talaga si Angge (Angeline Quinto)




Sadyang napaka-kuwela ng charming na singer na si Angeline, sinabi rin n’ya na s’ya daw ang nanliligaw kay Coco at hindi ang binata, na nagpa-blush naman sa premyadong aktor.
Aliw na aliw talaga si Coco kay Angeline, naikuwento pa n’ya ang ilang karanasan nila habang nagsyusyuting ng nasabing pelikula. Bilang isang baguhan sa larangan ng pag-arte, hindi din daw alam ni Angeline o Angge (kung tawagin s’ya) kung ano ang ibig sabihin ng “blocking,” nguni’t nang malaon ay unti-unting lumalalim ang akting ng dalaga na sinegundahan naman ng teleserye direktor na si Jerome Pobocan, direktor ng “Born to Love You,” at ilang top-rating teleserye katulad ng “May Bukas Pa,” “Ikaw ay Pag-ibig,” “Mara Clara,” at iba pa.

Sobrang nag-eenjoy ang stars ng "Born to Love You."


Coco Martin, Direk Jerome Pobocan and Angeline Quinto


Hindi pa rin makapaniwala si Angeline sa pagkakaroon ng pelikula, “Noong una di ko po akalain na totoo ‘yun biro sa akin ng mga kasama ko sa ABS na sabi nga po nila may binabalak na pelikula para sa akin pero di ko naman inaasahan na si Coco Martin pa pala ‘yung magiging kapartner ko! Nung una nga po, hindi ako makapaniwala, tapos nung sila Sir Deo Endrinal na talaga ang nagsabi sa’kin, talagang sabi ko “Wow” Dati po kasi ang sabi ko kahit commercial lang sana magkaroon ako tapos ngayon binigyan pa ako ng pelikula at with Coco pa! Sobrang happy po talaga ako dahil dalawang hiling ko ang natupad talaga” aniya.


Pretty Angeline




Ibinahagi rin ni Coco ang kanyang saloobin, “Ito ‘yung kauna-unahan ko na magpapa-in love ako sa pelikula! Sabi ko nga, matagal ko na talagang pangarap na, bata pa lang ako mahilig na ako manood ng mga love story movies, kumbaga, ito na ‘yung katuparan ng matagal ko nang hinihiling. Ang dami ko na kasing nagawang pelikula eh, drama, action, pero sabi ko gustong-gusto ko gumawa ng love story! At ang sarap pala kasi habang ginagawa ko ‘yung pelikula alam ng pagkatao mo na naiin-love ka din habang ginagampanan mo ‘yung role mo,” ayon sa kanya. Hmm... in-love ka na nga ba Papa Coco? Hihihi


Pogi talaga ni Papa Coco!



The ever dashing Albert Martinez


Cast of "Born to Love You" (L-R): Amy Nobleza, Malou De Guzman, Direk Jerome Pobocan, Angeline Quinto, Coco Martin and Albert Martinez  

Here's the personal invitation video of "Born to Love You" cast


And here's the Official Trailer of the movie



Kasama rin sa pelikulang nabanggit sina Albert Martinez, Eula Valdez, Tonton Gutierrez, Al Tantay , Malou de Guzman at Kiray. Magaganap ang premiere night sa May 29 sa SM Megamall Cinema 9, 6PM at regular na ipapalabas sa mahigit 100 theaters nationwide sa sunod na araw, May 30.

Special thanks to Flow Galindez of www.angsawariko.com

Posted in: , , , , , , , , , , , , , ,

0 Amazing comments for ""BORN TO LOVE YOU" SURE HIT SA TAKILYA!"

Leave a reply

Feel-free to comment Amazing people! Hope you could also add me on Google Plus (Google +) Thanks!