Si Madam Kilay at Afam sa "Magpakailanman"


Ang kwento ni Madam Kilay o Jinky Cubillan Anderson ay istorya ng isang babae, isang ina, isang OFW at isang taong nabigo ngunit hindi nawalan ng pag-asa na ang kanyang buhay ay magtatapos sa isang happily ever after.

Pagkatapos mabigo sa pag-ibig at maranasan ang iba’t ibang pagsubok sa buhay, nakilala niya ang Amerikano na si Paul Anderson sa Korea.  Nabighani ito sa kanyang "RARE na kagandahan" at galing niya sa pag awit.

Nag-viral din ang kanyang kilay tutorials online pati na ang videos na kasama ang
”afam” niyang special someone na si Paul.

Tunghayan natin ngayong Sabado sa Magpakailanman ang "Beauty in your Eyes: The Jinky "Madam Kilay" Anderson story"  gagampanan mismo niJinky Anderson aka Madam Kilay.

Si Gov Lloyd naman ang gaganap bilang Paul Anderson.

Itinatampok din sina Ces Quesada, Rich Asuncion, Barbara Miguel, Miggy Jimenez, Brent Valdez, at Kyle Vergara.

Tunghayan ngayong June 3 sa GMA Network 
8pm pagkatapos ng Pepito Manaloto 



Posted in:

0 Amazing comments for "Si Madam Kilay at Afam sa "Magpakailanman" "

Leave a reply

Feel-free to comment Amazing people! Hope you could also add me on Google Plus (Google +) Thanks!