MGA HAMON AT PAGSUBOK NANG DAHIL SA PAG-IBIG, TAMPOK SA "KARELASYON”!
Hindi lang puro sarap at ligaya ang hatid ng
pakikipag-relasyon. Parte rin nito ang mga tukso at pagsubok na susukat sa
katatagaan at katapatan ng pagsasama.
Ngayong Abril, ihahandog ng GMA Public Affairs ang bagong
drama anthology na maglalahad ng totoong karanasan ng mga magkarelasyong
nagkaron ng matinding hamon sa pagsasama.
Mga problema gaya ng pagkakaroon ng kabit; lihim na
pagkatao; sobrang selos, ambisyon o bisyo,; problema sa pamilya o
katrabaho; obsesyon sa sex, pera o
materyal na bagay.
Sa pamamagitan ng mga pagsasadulang pagbibidahan ng mga
Kapuso Stars, at sa panulat at direksyon ng mahusay na independent film writers
and directors, ipapakita sa “Karelason” kung anong hirap, sakit, kontrobersya o
trahedya ang pinagdaanan at hinaharap ng ilang kababayan natin nang dahil sa
pag-ibig!
Carla Abellana
Ang Kapuso actress/ TV host na si Ms. Carla Abellana ang
magsisilbing tagapaglahad ng mga kwento… gaya ng storya ni “Minda” (Mylene
Dizon), isang babaeng desperada nang magkaron ng kinakasama sa buhay kaya
mabilis na nagtiwala kay “Daniel” (Mark Herras) na hindi niya gaanong kakilala.
Anong pasakit ang ibibigay ng lalaking ito kay “Minda” kung saan magiging parte
pa ng panloloko ang anak niyang bakla na si “Ryan” (Martin Del Rosario).
Isa pang storyang tampok sa “Karelasyon” ay tungkol kay
“Marlon” (Marco Alcaraz) na sobrang naging maligaya nang mapangasawa ang dream
girl niyang si “Tere” (Valerie Concepcion).
Subalit unti-unting nagkaron ng lamat ang relasyon nilang
dalawa dahil sa unti-unting pagbago ng itsura at pag-uugali ng kanyang asawa.
Ano kayang pagpapabaya ang nagawa ni “Tere” habang lumalaki ang kanilang
pamilya?
Matutunghayan din sa “Karelasyon” ang kwento ng mag-asawang
sina “Lily” (Kris Bernal) at “Paul” (Rocco Nacino) na sa kagustuhang magkaron
ng anak ay tinuring na pamilya si “Rowena”
(Karen Delos Reyes), isang disgrasyadang babaeng pumayag ipa-ampon ang
ipinagbubuntis na anak kapalit ng pera. Pero kalaunan, higit pa sa salapi ang
nanaisin niya, at ito ang magiging pagsubok sa katatagan at katapatan ng
pagmamahalan ng mag-asawa.
Abangan ang mga storyang ito at ang aral na mapupulot mula
sa mapait, makulay at kakaibang kwento ng mga magkarelasyon!
Abangan sa April 11, Sabado, sa GMA-7!
Thank you for always being here amazing peeps! Hope it wouldn't take much of your time if I'd ask you to
please like my
Ciao! 'Til our next!
0 Amazing comments for "MGA HAMON AT PAGSUBOK NANG DAHIL SA PAG-IBIG, TAMPOK SA "KARELASYON”!"
Leave a reply