Ken Chan sa isang mapaghamong karakter bilang "transsexual woman"

Ken Chan bilang Destiny Rose/ Joey Flores



Kakaiba, nakakamangha, kabilib-bilib at kapana-panabik! 'Yan ang mga naunang nasabi ko nung nalaman kong gaganap bilang transsexual woman ang GMA Artist Center star na si Ken Chan sa pinakabago at kontrobersyal na tv drama series, "Destiny Rose," sa Afternoon Prime ng Kapuso Network. 

Una kong nakita at nakausap ang talentadong si Ken Chan sa isang presscon at album launch ng isa pang Kapuso artist na si Bea Binene. Nagkaroon sila ng isang kolaborasyon ni Bea na napapaloob sa  "Dito Sa Puso Ko" album. 

Kinakitaan agad namin si Ken ng kakaibang brilyo at positibong aura at pananaw sa buhay. Bilang isang mahusay na mang-aawit, isang "plus factor" na si Ken ay isa ring mahusay na aktor. At ito ay napatunayan naman n'ya nang 
mapabilib n'ya ang production team nung  sumabak s'ya sa audition para sa nasabing role. At bagaman inamin niyang mahirap gampanan ang isang transsexual woman ay handa siyang tanggapin ang hamon ng karakter na ito.

Ken Chan sa presscon ng Destiny Rose

“I have always wanted to act, at isa sa mga gusto kong gawin bilang artista ay mag try nang mag try ng iba’t ibang role. Challenging ito, pero handa akong pag-aralan ang role ng mabuti,” pagbabahagi ng Kapuso star.

Abot-abot rin ang pasasalamat ni Ken sa kanyang mga fans, lalo na sa GMA Network sa patuloy na pagtitiwala sa kanya. “Nagpapasalamat ako dahil nabibigyan ako ng pagkakataong gawin yung mga ganitong roles, at dahil dito mas lalo pa akong nai-inspire na pagbutihin ang ginagawa ko,” dagdag ni Ken.

Patuloy din ang biyaya na natatanggap niya dahil nitong Hulyo lamang ay naipalabas na ang kanyang international toothpaste endorsement at naging maganda ang pagtanggap ng mga tao rito. Patuloy niyang pinalalawak ang kanyang kakayanan sa pag-arte, kaya tiyak na mas marami pa ang aabangan sa Kapuso actor.

Sadya namang dinadagsa ng blessings ang batang ito kaya naman karapat- dapat lang na suportahan natin s'ya at bigyan ng pagkakataong mas mapatunayan ang kanyang sarili na s'ya ay karapat-dapat din na magkaroon ng kaukulang espasyo dito sa mundo ng showbiz.

Kaya't huwag natin kalimutang tunghayan ang bawa't kabanata ng buhay ni Destiny Rose mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Buena Familia sa Kapuso Network

Hope you could like and visit Destiny Destiny Rose Facebook page
Maki-trend at tweet sa
Destiny Rose Twitter account 


Thank you for always being here amazing peeps! Hope it wouldn't take much of your time if I'd ask you to

please like my 

Facebook page: AmazingJingForLife 
 and do follow me on 

Twitter and Instagram (@amazingjing) 

 Ciao! 'Til our next!



Posted in: , , , , , , ,

0 Amazing comments for "Ken Chan sa isang mapaghamong karakter bilang "transsexual woman""

Leave a reply

Feel-free to comment Amazing people! Hope you could also add me on Google Plus (Google +) Thanks!