"Love Me For What I Am: The Shem and Jenessa Dizon story”

Max Collins and Rodjun Cruz in "Magpakailanman"

Isang Foreignay at isang Mangyan, patutunayan na true love sees past the skin – sa isang nakakakilig na episode ng Magpakailanman!

Nang ipadala ang Amerikanang si Jenessa sa Pilipinas para sa kaniyang teaching mission, malungkot ang dalaga sa pagkakalayo niya sa kaniyang pamilya—at sa paniniwalang wala na itong mga pakialam sa kaniya. Mga bagay na makakalimutan niya sa kaniyang pagkilala kay Shem, isang Mangyan.

Hindi tulad ni Jenessa, walang pinag-aralan si Shem— pero kung ano man ang kakulangan niya sa education ay siya namang pinupunan niya ng kaalaman, gamit ang kaniyang mga dinanas sa buhay.


Max Collins plays Jenessa and Rodjun Crus as Shem



Sa kanilang pagsasama, matuturuan nila ang isa’t-isa through their shared experiences—at matuturuan rin nila ang isa’t-isa kung paano nga ba magmahal ng buo at nang walang tinitingnan na panlabas na kaanyuhan.

Ngayong Sabado, samahan sina Max Collins at Rodjun Cruz sa kanilang pagsasabuhay ng nakaka-in love na kuwento ng isang guro at ng estudyanteng nagturo sa kaniya ng iba’t-ibang uri ng pag-ibig.

Itinatampok rin sa episode na “Love Me For What I Am: the Shem and Jenessa Dizon Story” sina Abel Estanislao, Lester Llansang, Marc Justin Alvarez, Kyle Ocampo, Ina Feleo, at Allan Paule,
sa masugid na direksyon ni Neal del Rosario at sa panulat ni Jessie Villabrille, mula sa research nina Karen Lustica at Stanley Pabilona.

Magpakailanman airs this Saturday, March 28, after Pepito Manaloto.


Thank you for always being here amazing peeps! Hope it wouldn't take much of your time if I'd ask you to

please like my 

Facebook page: AmazingJingForLife 
 and do follow me on 

Twitter and Instagram (@amazingjing) 


 Ciao! 'Til our next!

Posted in: , , , , , , ,

0 Amazing comments for ""Love Me For What I Am: The Shem and Jenessa Dizon story”"

Leave a reply

Feel-free to comment Amazing people! Hope you could also add me on Google Plus (Google +) Thanks!